Blog

Linggo, Hulyo 10, 2011

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim

(Sanaysay Muslim)
Salin  mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo


Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan, kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito ang pagbibinyag ng mga muslim.

Sa katunayan, mayroon silang tatlong  uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol.

Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito'y ginagawa upang dito'y ikintal na siya'y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah.


Ang pangalawang seremonya  ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga  magulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito'y inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita.

Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing at baka. Ang mga hayop na ito ay tinatawag ng aqiqa, na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat.

Kanduli
Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita  pagkatapos na makaputol ng isang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok ng sanggol.  Ayon sa paniniwalang Maguindanao, paglumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito'y lumubog siya'y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na 
Paggunting
niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaing tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonyas ang buaya.






Ang ikatlo at huling seremonyas ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung  taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae.  Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pag-islam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.




A Teacher's Paraphrase of 1 Corinthian 13

A Teacher's Paraphrase of 1 Corinthian 13

Miyerkules, Hulyo 6, 2011

SATIRIKA

ang sanaysay na satirikal ay isang sanaysay na naglalantad ng kabulukan, kamalian, bisyo, o kahinaan ng mga tao at ng kanyang lipunan sa pamamagitan ng panunuya, pangungutya, at pagbabaliktad ng katotohanan. Madalas na isagawa ang satiro sa istilong nakatatawa.
 
Sanggunian; Batikan IV  nina Paz Rebollido, et al. p. 13.


MGA HALIMBAWA NG SATIRIKA

Dumalaw ang pangulo sa nilubog na syudad ng Cotabato
Maraming mga panukala, nagsiste hindi ga lang nabili
Pwede nga daw hakutin gawing panambak sa Spratly.
Inanod ang mga balita pagmamalaking ibinando
balak mag-uwi ng ilang piraso para sa fishpond ng palasyo.


Tuldukan nag kahirapan!......
mayabang na utos ng pangulo
......habanggatuldok ang mayaman......
naghaharing angkan sa aming bayan.......



Makulay. Buhay na buhay.
Nabanat ang mga mukha.
Tarsier ang ipinalit sa malditang si Gloria
Ngumisi naman si Noy at Kristeta
masaya kong tinanggap ang bagong imprenta
Nabago na mga ang mga na pera.
Habang ang heneral na sangkot sa anomalya
Kahit sa pagdinig sa kongreso at senado
Mga mukha nila'y wala pa ring ipinagbago

Sanggunian:  emanzky88.wordpress.com/tag/satirika

SANAYSAY: URI, SANGKAP at BAHAGI

SANAYSAY
 Ayon kay Alejandro G. Abadilla, "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. ang sanaysay ay nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay panitikang tuluyan na nagalalahad ng kuru-kuro, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksyon at iba pa  ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.


Mahalaga nag pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilalahad na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mga mambabasa ang manunulat dahil sa paraan ng pagkasulat nito, sapaggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.

URI NG SANAYSAY
  • Pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Inaakay ng manunulat ang mga manbabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos.
  • Di-pormal - sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-arawat personal. binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa.
SANGKAP NG SANAYSAY
  • Tema at Nilalaman  -  anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sapagkakasulat nitoat kaisipang ibinahagi.
  • Anyo at Istruktura  -  ang anayo sat istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng edeya o pangyayari ay makatututlong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay.
  • Wika at Istilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higt na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
BAHAGI NG SANAYSAY
  • Panimula - ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unag titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atansyon ang panimula upangipagpatuloy ng mamababasa ang pagbasa sa akda.
  • Katawan -  Sa bahaging ito ang sanaysaya makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng maigi ng mambabasa.
  •  Wakas - nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.


Linggo, Hulyo 3, 2011

Humanismo: Dignidad, Pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa.

HUMANISMO. Ito ay mula sa salitang english na HUMAN. Ibig sabihin TAO. OTAO sa mga jejemon, bekemon at jologs.(buhay pa ba sila?) Teoryang Humanismo ang aralin namin sa ikaapat na taon ng nakaraang huwebes at byernes.  

Huwebes tinalakay ang akdang humanismo na Paalam sa Pagkabata, akdang salin ni Nazareno D. Baz. Ito ay  kwento sa buhay ng isang batang si Celso. Simula ng sya'y magkaisip lagi niyang nakikita ang kanyang inang si Isidra na lihim na umuuiyak lalo na sa madaling araw. Madalas din nya itong makita na nakaupo sa hagdanan, nakatingin sa nakasabit na lambat at panay-panay ang buntong hininga. Naalala nya ang isang pagkakataon na nagalit ang kanyang ina at tinanggal ang lambat. Nagalit ang kanyang amang si Tomas at sinaktan si Isidra. Mula noon naging palaisipan na sa kanya ang misteryo ng lambat. Hanggang isang araw natuklasan nya ang misteryong ito.  Siya, si Celso ay hindi anak ng kanyang kinikilalang ama na si Tomas. Nangyayri ito isang madaling araw na napagkamalan ng kanyang ina na ang dumating at nakaniig niya ay ang kanyang  asawa, huli na nang malanan nito na ito ay ang dating nyang manliligaw. Nang nalaman ito,  nagalit ang sampung taong gulang na si Celso.  Kinuha nya ang itak ng kanyang ina sa kusina at pinagtataga ang lambat. Nagalit ang kanyang ama at siya ay sinaktan nito hanggang sa mawalan sya ng ulirat. Nang magmulat sya ng mata, matapos ang di nya masabing panahon, una nyang nakita ang mukha ng kanyang ama. Nakita nya sa mukha nito ang pagsisisi, pag-unawa at higit sa lahat pagmamahal. Mga bagay na di nya nakita  at naramdaman dito dati.

Byernes ang pagtalakay sa Teoryang Humanismo. Ano ang teoryang Humanismo. Ito ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip na sa diyos. Sa pilosopiya, ito ay ang atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD at KAHALAGAHAN ng isang INDIBIDWAL. Sa basikong salingan ng humanismo ang paniniwalang ang tao ay nilikhang RASYONAL na taglay sa kanilang sarili ang kapasidad para sa katototohanan at kabutuhan. Sa paglakad ng panahon lumitaw ang bagong humanismo. ayon sa mga tagasunod nito, hindi daw dapat ipaliwanag ang kahalagahan ng tao sa pamamagitan ng HEREDITI at KAPALIGIRAN dahil ang tao ay may malayang pagpapasya. Siya ay malayang nakakapagdedesisyon kung alin ang mabuti o masama sa kanya.

Dignidad at kahalagahan ng isang indibidwal. Paano nga ba ito sinusukat? Pulubi at limos ang aking binigay na halimbawa. Kung ikaw ay namamalimos para mabuhay, binibigyan mo ba ng dignidad ang iyong sarili? Kung ikaw ay naglilimos ng coin na may butas sa gitna, ito na ba ang halaga ng taong nililimusan mo? Para sa akin ang mga bagay na binibigay natin o nereregalo ay ang halaga sa atin ng taong tatanggap nito. Kung coin na may butas sa gitna, piso, limamg piso, isang daan at isang milyon o bilyon ang binibigay natin ito ba ang halaga ng taong ito? May halaga nga ba ang ating pagkatao, ang kahalagahan natin? Sa palagay ko wala. Walang halaga na tatapat sa ating pagkatao maging sa ating buhay. Kung ganon magkano ang dapat nating ilimos o ano ang dapat nating ilimos? Sabi sa IV-27. "Ibigay kung ano ang meron tayo". Ibig sabihin kung meron taong isang milyon, iyon ang ibibigay natin? Kung asawa, nanay, anak at kapatid ang meron tayo sila ang ibibigay natin? Paano natin mabibigyan ng dignidad ang isang pulubi sa lansangan? Sabi sa IV-18, "mam, i-refer natin sila sa mga institisyon tulad ng DSWD." Tama yon di ba? At kung wala o di mo kayang gawin ito, sa aking palagay ang pinakamabuting gawin sa halip na tapunan sila ng coin na butas sa gitna ay isama sila lagi sa ating mga panalangin.

Kakayahang Rasyonal. Tama! may kakayahan tayong taglay na malaman kung ano ang masama sa mabuti. Subalit sa mga kabataan at ilan sa mga katandaan ngayon.Ano ba talaga ang mabuti at alin ang masama sa atin. Karaniwan sa mga kabataan ngayon ang inaakala nilang mabuti ay yaong masama. Kung alam man nilang masama ito ginagawa pa din nila ito. Sino ang magtuturo nito sa kanila? Paaano ba natin itututro sa kanila na maging rasyonal sa halip na emosyonal. Maituturo ba natin ito o ang karanasan ang magtuturo sa kanila?

Herediti at Kapaligiran. Ito ang bagong pananaw ng Humanismo. Di dapat kilalanin ang tao base sa kanilang herediti at kapaligiran. Ibig sabihin, hindi totoo ang kasabihang Kung ano ang puno Sya rin ang Bunga. Hindi magbubunga  ng isang abogado ang isang magsasaka o ang isang basurero. Imposibleng magkaanak ng bayani ang isang kriminal. Ito ang herediti. "Pwede ba kitang maging kaibigan? Tagasaan ka nga pala?" "Okey lang. taga Tondo pala ako." ah ganun ba may gagawin pa pala ako. Ingat ha".  Ano ba naman yang mga kaibigan mo mga malalandi, malandi ka rinano?". Birds of the same feather flock together. Ito ang kapaligiran. Pinabubulaanan ng mga humanista ang ganitong pananaw at pagkilala sa tao, dahil lahat tayo ay may kakayahang rasyonal.

 Ang ating dignidad, ang kahalagahan natin, ating pagkatao ay nakabase sa ginagawa natin para sa sarili natin at sa ibang tao. Kung paano natin sila pahalagahan ganon din ang ibabalik sa atin. Bawat isa saatin ay may kakaibang katangian na angat sa iba. Makakatulong sa pagpapahalaga natin sa ating sarili at kapwa kung alam natin ito at pag-iinayuhin para sa kabutuhan ng masmakararami.




 





Sabado, Hulyo 2, 2011

Bagong Blogger: Blog ang mundo.

Sabi nila BILOG ANG MUNDO. Ito ang palasak na kasabihan na madalas kong marinig simula pa noong bata ako. Ano ang ibig sabihin nito? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa itaas ang isang tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay panalo ang iisang tao. Gayundin naman Hindi sa lahat ng pagkakataon nasa ibaba ka o lagi kang talunan. Nais lang nitong ipabatid sa lahat ng tao na huwag nawalan ng pag-asa kase BILOG ang mundo. Kung wala kang alam na paraan para maipabatid ang nasa loob mo o walang nakikinig sa iyo isipin mo na lang BILOG  nga pala ang mundo. Sa panahon ng kompyuter uso pa rin naman ang BILOG ANG MUNDO, pero mas may dating na ang BLOG ANG MUNDO. Pwede ka ng gumawa ng BLOG upang naiparating ang iyong mensahe. Ipaalam sa mundo ang nilalaman ng puso mo, kahit na ba karamihan sa kanila ay di mo personal na kakilala, tutal naman sabi pa rin nila may pagkakataon daw sa buhay natin na nasasabi natin sa di natin kilala o kakikilala pa lang ang pinakamadilim nating nakaraan o ang pinakatatagu-tago nating problema na di natin masabi sa pinakamalapit nating kaibigan.Parang ganun dito sa blog.

Bakit ba naiisipan kong sumulat ng blog? Matagal ko na ring naririnig ang blogging. Matagal ko na rin gustong subukan, pero dahil sa madalas umatake sakit ko sa BATO, di ko alam kung paano sisimulan, kulang ako sa motibasyon kaya di ko ito nasimulan, pero dahil kailangang-kailangan na dapat na itong simulan. Kailangan na ito unang-una sa aking profesyon bilang guro. Di lang yan Kailangan ko din ng paraan para nailahad ang iniisip ko. Kainis kayang kausap sarili ko, ako din kase sumasagot sa tanong ko, at yong sagot alam ko na rin. wala ng challege.(hehehe, adik mode sorry)At ito na nga, dahil BLOG NA ANG MUNDO, kailangan ko nang umagapay dito, kaya 'eto, BAGONG BLOGGER NA AKO! YAHOOOOOOOOO! BLOGGER NA AKO!
Yon lang thank you! PEACE & LOVE!

-maam gare-